Wednesday, July 3, 2019

Pagtataka

Sa tuwing naiisip kong maaring puwede pa,
Naiisip kong pwede nga ba?
Sa maliliit na bagay nabibigo mo,
Natatakot na muli akong mabigo.

Sabi ko hindi na ko muli susulat tungkol sa'yo
Pero kasi parang tayo,
Mga salitang hindi naman dapat para sa'yo,
Kailangan nang ipakawala at ilayo.

Hindi ko kailangan ng sasabihin ng nasa paligid,
Alam ko ang sagot sa mga tanong na umaaligid aligid.
Tama ang sinasabi ng isip ko,
Iba naman ang binubulong ng aking puso.

Paulit-ulit ang iisang alalala,
Pakiramdam kong lalong lumalala,
Tulad ng isang bagyong dumaan at nakapaminsala,
Naiwan nang walang-wala.

Ilang beses na nga naman ako nagkamali,
Sa tuwing ikaw ang pinipili.
Puso mo'y sa iba naman nagagawi.
Ni sulyap mo'y hindi nananatili.

Ngunit naisip ko rin sa sarili ko,
Ang nais ko ba ay yung perpekto?
Makatotohanan sa mga nangyayari,
O kathang isip nalang kung maari?

No comments:

Post a Comment