Thursday, May 9, 2019

Tula 1

Araw-araw, inaabangan pa din ang araw. Mga pagkakataong pinalipas sa paglipas ng panahon. Mga taong napag-iwanan dahil minsan nang iniwan. May mga sitwasyong sinubukan din ang tatag, at hanggang ngayon ay nananatiling matatag.

Minsa'y naisip na ding sumuko, pero hindi kailanma'y yumuko. Matagal nang ikinakahon ng sistema, ng iba. Ngunit hinding-hindi ang prinsipyo at paniniwala. Malayo ang tingin, abot langit ang hiling. Sinasabayan ang ihip ng hangin; Ibinulong niya ng mahinhin:

"Sumabay ka sa agos; Tuloy-tuloy, hindi ito natatapos; Pero tandaan na puwedeng huminga; Ulo'y iangat, madami ka pang makikita."

No comments:

Post a Comment